na kaming dalawa lang ng anak mo, ipagdasal mo na sana hindi mo ito pagsisi-sihan” may diin at may pagbabanta sa boses ni Diane
“Sorry talaga hon,babawi ako promise” at naglakad na ito paalis
“Hope and pray Mark, na may mababawi ka pa” seryusong sabi ni Diane at matalim ang tingen sa asawang si Mark
Nasa isang restaurant sila malapit sa provincial airport na pinang-galingan nila, at nag aalmusal
“Kung alam ko lang kila Ri-ri na sana tayo sumama,,kung alam ko lang na ganito pala mangyayari”
Patuloy na maktol ni Diane
“Don’t worry mom 7am pa lang maagap pa” sabay kain ng almusal
“Akin na yung reservation na binigay sayo ng magaling mong daddy” pagkaabot ni Kenji ay tinawag ni Diane ang waiter upang magbayad ng bill
Matapos magbayad ay inantay ang waiter para sa kanyang sukli
“May pamilya ka ba” tanong ni Diane sa halos kaedad nya na waiter
“Meron po mam” sagot ng lalaki
“Good, tip mo” sabay abot ng ticket sa lalaki
“3 days with free accommodation with food as in free lahat good for 5 person only” nakangeting paliwanag ni Diane
Hindi maman makagalaw yung waiter sa gulat
“Legit yan” dagdag pa ni Diane
“Naku madame,maraming salamat po” parang nakatangap ng Christmas bonus ang mababakas na saya sa mukha ng















